Una sa Balita

New grad dumagdag sa tambay

By
0 5

Lumobo ang bilang ng tambay o walang trabaho sa bansa ngayong Abril, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Mula 5.8% noong E­nero, umakyat sa 6.1% ang unemployment rate, katumbas ng 2.6 milyong Pinoy na walang trabaho.

Noong Enero ay 40.05 milyong Pilipino ang may trabaho subalit pagsapit ng Abril, 39.9 milyon na lang ang may trabaho.

Paliwanag naman ni Communications Sec. Sonny Coloma, normal na tumataas ang unemployment rate sa ganitong buwan dahil dumadagdag sa bilang ng mga tambay o walang trabaho ang mga bagong graduate tuwing Marso.

Kung ikukumpara umano ang buwan ng Abril noong nakaraang taon ay makikita bumaba pa ngayong taon ang bilang mga mga walang trabaho.

“Unemployment rate in April 2016 was at 6.1%, which is a decline from the 6.4% that was recorded in the same period a year ago. We note, however, that this figure is a still a slight increase from the January 2016 record of 5.8%, as many graduates entered the labor market in April to look for or begin employment,” paliwanag ni Coloma.