Una sa Balita

‘Never Say Die’ pa rin sina Brownlee, Ginebra

0 372

Semis Game 3 ngayon: (MOA Arena)
7:00pm — Ginebra vs. TNT

Oras na siguro para ilabas ng Ginebra ang Never Say Die.

Balugbog na ang Gin Kings, nanganganib matapos ang pagdepensa sa titulo ng PBA Commissioner’s Cup matapos malubog 0-2 kontra­ TNT KaTropa sa kanilang semifinals series.

Isang talo pa sa best-of-five, gudbay ang Barangay. Magkakaalaman ‘yan sa Game 3 mamaya sa MOA Arena.

Kapag nakumpleto ng TNT ang sweep, abante sila sa finals­ sa unang pagkakataon sa nakalipas na dalawang season.­

Hindi nawawala ang fighting­ spirit ng Gins.

“Just having that never-say-die type of attitude,” giit ni Justin Brownlee pagkatapos ng 88-71 Game 2 loss Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sa opener ay tumukod din ang Gins 95-92.

“I know coach (Tim Cone) will definitely go make some adjustments now that we’re down 0-2,” dagdag ni Brownlee, nagsumite ng 25 points at 13 rebounds sa talo. “So, just come in tomorrow (in practice) and see what he got to say. And then, approach the game with a never-say-die type attitude.”
Si Cone, walang masabi. Huli pa siyang lumabas ng dugout, kasabay ng coaching staff, pagkatapos ng laro.

“We played terrible and they played great. I don’t have anything much to say,” ani Cone na hindi na tumigil sa paglalakad palabas ng Big Dome. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy