Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Never again!’ Huwag bumoto ng korap, sinungaling, tamad – Angel Locsin

0 311

Nagpayo si Angel Locsin sa mga Pinoy sa 2022 elections tungkol sa kandidatong hindi dapat iboto.

Sa Instagram post ni Angel, sinabi nito na ngayong simula na ang kampanya, ang mga politiko ay busy sa pagbibida ng kanilang sarili.

Kaya ayon sa Kapamilya actress, dapat ay kilatising mabuti ang bawat politiko na manliligaw para sa inyong mga boto.

“Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon, sinungaling, nagmamanipula ng batas, tamad, malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa,” giit ni Angel.

“Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili nyo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY!” aniya pa.

Bukod sa payo, may kalakip ding mensahe na ‘Never Again’ sa naturang post ni Angel. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.