Una sa Balita

Nets wapakels kay Embiid, inisahan agad ang 76ers

0 170

UNANG sultada ng NBA playoffs, pasabog agad ang sixth-seed Brooklyn Nets kontra sa ikatlong pinakamatikas na team sa Eastern Conference, ang Philadelphia 76ers.

Nakalista sa injury list ng 76ers ang kanilang Cameroonian wonder na si Joel Embiid, dumating ito sa laro.

Pero hindi sigurado ang mga miron kung sasalang o hindi dahil sa natamong knee injury bago ang postseason.

Maging ang two-time NBA All-Star ay hindi rin sigurado kung makalalaro siya, saad na ilang minuto lang bago ang tip-off nakapagdesisyon siya at ang coaching staff sa kahihinatnan ng laro.

Sa huli, first five pa ang 25-year old star, maganda man ang stat line sa laro (22 points, 15 rebounds, 4 assists), wala pa ring epekto para sa bagito sa playoffs na Brooklyn Nets, 111-102.

“Out of shape,” depensa ni Embiid sa kanyang malamyang shooting, 5-for-15 sa field. “Obviously I haven’t done anything for a week, since the Chicago game. But I’m fine. I’m going to get it right back.”

Sinamantala naman ng Nets ang lulugo-lugong si Embiid, pasiklab ang kanilang bagong sibol na go-to player na si D’Angelo Russell, tumipak ng 26 points, sahog ang four assist at three rebounds sa kanyang unang playoff ­appearance.

Nakatuwang niya sina Caris Levert, may 23 puntos, at Spencer Dinwiddie na nakakolekta ng 18 markers.

“I trust our offense. We got great minds behind it,” saad ni Russell. “Coach set us up earlier this season with a routine and recipe for the offense and it’s been flowing ever since.”

Sa panalo, 1-0 advantage ang naiuwi ng Nets, ito’y kahit pa may home court advantage ang 76ers na ‘di rin naging epektibo dahil kahit sariling player nilang si Ben Simmons ay na-boo ng crowd matapos magmintis ng dalawang sunod na free throw. Tumapos lang itong may siyam na puntos. (RMP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy