Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nets sobrang angas: Harden sasahog kina Durant, Irving

0 147

Si James Harden ang winner sa blockbuster trade na siya rin ang nagpasimuno.

Natupad ang wish ni Harden na lumayas ng Houston, basag ang samahang dati ay mukhang forever.

Mas magaang ang buhay ng Brooklyn Nets sa Eastern Conference, baka eto na ang tsansa ni Harden na umabot sa NBA Finals.

Reunited siya kay Kevin Durant, kakampi niya dati sa Oklahoma City Thunder.

Pero hindi na si Harden ang bida ng team. Parehong stars din sina Durant at Kyrie Irving.

SM food to go Banner Ad

Si Irving, may ugali pang ayaw nasasapawan.

Hati sina Harden at Irving sa posesyon ng bola, ang tanong ay kung paano gagawin ni coach Steve Nash.

Sanay si Harden na kanya ang bola sa clutch. Pero sa Nets, baka maging third option siya minsan pagkatapos nina KD at Kyrie.

Maging epektibo rin kaya si Harden off the ball? Paano siya tutugon sa catch-and-shoot situations, at ano kaya ang magiging reaksiyon kapag pinatabi siya ni Irving para makadiskarte ang designated point guard?

Isinakripisyo ng Nets sina Caris LeVert at Jarrett Allen, dalawang solidong rotational player para makuha si Harden. Nag-surrender din ang Brooklyn ng tatlong first round picks at apat na first-round swaps.

Kaya 2027 na, namumutiktik pa rin sa draft picks ang Rockets mula sa trade. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.