Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nets, Lakers out mga Big 3

0 143

IGAGARAHE na rin ng Brooklyn ang Big 3 nina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden sa unang preseason game ng Nest kontra Lakers sa Linggo.

Kinumpirma ni coach Steve Nash na hindi rin maglalaro sina veterans Joe Harris, Patty Mills, Blake Griffin at James Johnson.

Si veteran LaMarcus Aldridge ang inaasahang gigiya sa young players ng Brooklyn, ayon sa ulat ni Alex Schiffer ng The Athletic.

Bumalik sa Nets si Aldridge, pumirma ng veteran’s minimum deal matapos mabigyan ng medical clearance para muling maglaro. Nag-retire ang 6-foot-11 big man noong April dahil sa irregular heartbeat.

Tatasahan ng Brooklyn ang mga batang sina Bruce Brown, Nicolas Claxton, at posibleng binyagan din ang apat na 2021 draft picks na sina guards Cam Thomas at Marcus Zegarowski at forwards Kessier Edwards at RaiQuan Gray. Nakuha rin ng Brooklyn ang rights kay center Day’ron Sharpe mula Phoenix Suns.

Nauna nang nagsabi ang Lakers na hindi rin lalaro sa preseason opener sina LeBron James, Russell Westbrook at Carmelo Anthony. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.