Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Netizen `di apektado sa pagsibak kay Abu

0 155

Naniniwala ang mga netizen na tadhana na ang may gawa para kay Batangas 2nd District Representative Raneo Abu.

Ito ay dahil na rin sa umano’y pagbalewala nito sa mga daing at hinagpis ng mga constituent, mula pa noong pandemya hanggang abutin na ng bagyo at pagbaha.

Ayon sa mga netizen mas pinili ni Abu na pagsilbihan si dating House Speaker Alan Peter Cayetano kaysa sa mga Batangueño.

Inalala rin ng mga ito sa Kapamilya Kingdom Facebook page, ang pagboto ni Abu para ibasura ang hiling na prangkisa ng ABS-CBN.

“Nagmistulang abo ang mga pangarap ni Raneo Abu matapos siyang sipain, kasama si Dan Fernandez, bilang deputy speaker..Silang dalawa ni Fernandez ay kasama sa 70 kongresistang pumatay sa renewal ng ABS-CBN noong Hulyo,” saad pa ng mga ito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.