Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nesthy negatibo sa COVID-19

0 76

NEGATIBO sa isinagawang swab test para sa COVID-19 kaya positibo si 2019 AIBA Women’s World Boxing Championships gold medalist Nesthy Petecio na magbalik sa puspusang pagsasanay sa nakatakdang pagpasok sa inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na national bubble training camp.

“Thank you, Lord! Negative ako sa swab test result! Hay, grabe kaba ko ba. ready to fly fly na. @24hrslangmeronna,” post ng 28-anyos mula Santa Cruz, Davao Del Sur na si Petecio.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa lamang si Petecio, na huling nagwagi ng ginto sa featherweight division sa nakalipas na 2019 Southeast Asian Games, sa mga piling national boxer na makakasama ang mga Olympic hopeful din mula sa karate at taewondo na sasailalim sa kakaibang paghahanda para sa pagsabak sa gaganapin na qualifiers ngayong taon.

Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Caloy Yulo at boxers Eumir Marcial at Irish Magno pa lamang ang may silya na sa 2020 Tokyo Olympics na naurong ngayong Hulyo 2021. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.