Una sa Balita

Nene tusta sa bahay na nilamon ng apoy

0 259

NASAWI ang 10 taon gulang na batang babae nang masunog ang kanilang bahay at 25 iba pa sa Barangay, Dulong Bayan, San Mateo Rizal kahapon.

Sa ulat, nasa 50 pamilya ang nawalan ng tahanan nang lamunin ito ng apoy alas-3:41 ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Apple Ingua.

Maaari diumanong hindi napansin ng mga magulang ng biktima na nasa loob pa ng kuwarto pa ito at sa tindi ng usok at naglalagablab na apoy ay hindi na nito nagawang maka­labas pa.

Pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng barangay ang mga apektadong pamil­ya habang inaalam pa ng BFP ang dahilan na sunog na Kung saan isa sa tinitingnang ay posibleng electrical wiring­ ang ugat ng sunog. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More