Una sa Balita

Nene todas sa sunog; 100 bahay sa Taguig naabo

0 430

Isang 3-anyos na batang babae ang nasawi habang sugatan ang isa pang bata nang tupukin ng apoy ang 100 kabahayan at 200 pamilya ang nawalan ng bahay sa isang oras na sunog sa Barangay Ligid Tipas, Taguig City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Taguig City Fire Marshall Supt. Randolph Bides, ang labi ng paslit na si Prescious Clarisa Parcarey na sunog na ang katawan.
Ang sugatan namang si John Rey Mendibel, 9, ay agad isinugod sa Taguig–Pateros District Hospital.

Ayon kay Taguig City Fire Marshal Supt. Randolf Bides, alas-8:26 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Norie Maglanoc sa #31 Maestrang Pinang St., ng nasabing lungsod.

Dahil gawa sa mga light material ang nasabing bahay ay mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay kung saan 100 ang naabo at agad itong itinaas sa ikatlong alarma.

Mabilis namang nakaresponde­ ang mga kagawad ng pamatay sunog kung saan bandang alas-10:28 ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog at nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Umabot sa P350,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok.
Sa ngayon ay patuloy na ina­alam ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy