Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nene todas sa Montero, sarhento kritikal sa pagsemplang

0 124

Patay ang isang 11-anyos na batang babae samantalang kritikal naman ang isang pulis nang sumemplang sa motorsiklo sa magkakahiwalay na isidente sa General Nakar, Quezon nitong Lunes.

Batay sa report ng General Nakar police, nasawi ang estudyanteng si Princess Mae Villanueva nang masagasaan ito Mitsubishi Montero na minamaneho ng teacher na si Myla Astrera, 50-anyos, sa provincial highway sa Brgy. Anoling bandang alas-4:45 ng hapon.

Bigla umanong tumawid sa kalsada ang bata kaya nahagip ito ng paparating na Montero. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang bata samantalang kinustodiya naman ng pulisya si Astrera.

Samantala, ginagamot sa Claro M. Recto Memorial Hospital matapos magtamo ng pinsala sa ulo at mukha si P/SSg. Arnold Virrey, 37-anyos, nakatalaga sa Real, Quezon municipal police station nang mahulog ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Brgy. Maigang bandang alas-kuwatro ng madaling-araw. May kabilisan umano ang takbo ng motor kaya nag-overshoot ito sa kurbada at dumiretso sa kanal. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.