Una sa Balita

Nene tadtad ng sugat, nakagapos sa ilalim ng tulay sa Cainta

By
0 780

PINANGANGAMBAHAN ng mga doktor na posibleng magkaroon ng traumatic brain injury ang isang siyam na taong gulang na batang babae na natagpuang nakagapos at tadtad ng sugat at pasa sa katawan na nakitang nakahandusay sa ilalim ng Ortigas extension bridge sa Cainta, Rizal, kahapon nang mada­ling araw.

Batay sa nakalap na report, isang Jose Abarera ang nagsabi sa Cainta police at tinulu­ngang dalhin ang bata sa Cainta Municipal Hospital para magamot.

Ayon kay Dra. Shimora Eireen Pasera, physician on duty ng Cainta Municipal Hospital, maaa­ring nagtamo ang biktima ng traumatic brain injury dahil malala ito nang dalhin sa pagamutan.

Sinabi pa nito na nakitaan ng ligature marks sa leeg ang biktima na patunay na tinangkang ibigti ang bata. Nakita din ng pagdurugo ang mga tenga ng biktima at sumusuka ng dugo dahil sa matinding pambubugbog.

Gayunman, base sa obserbasyon ng mga doktor ay out of danger na ang biktima pero kailangang ilipat ng ibang pagamutan para idaan sa CT scan upang masuring mabuti ang ulo at utak nito.

Ayon sa Cainta police, tumanggi muna ang pamilya ng bata na magbigay ng komento hinggil sa nangyari habang nasa ilalim pa sila ng masusing imbestigasyon.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More