Una sa Balita

Nelle, Beda aarangkada

0 239

Laro ngayon:
(EAC Gym)
4pm — San Beda vs EAC (men)

PUNTIRYA ng defending champion San Beda University Red Lions na manatiling malinis ang karta pagharap nila sa nag-uumentong Emilio Aguinaldo College Gene­rals sa 95th NCAA basketball tournament sa EAC gym sa Taft Ave­nue, Manila.

Tangan ang 2-0 marka at three-game winning streak, nais din ng Mendiola-based squad Red Lions na masolo ang unahan.

Tiyak na sasandalan muli ng San Beda ang gumagawa ng pangalan na si Evan Nelle na nagtala ng 14 assists sa kanilang huling panalo kontra Jose Rizal University, 74-52, noong Biyernes.

Masaya si San Beda coach Boyet Fernandez sa ipinapakita ni Nelle at ibang tropa nito.

“We thought na ‘yung 11 assists niya nu’ng first half will be record-breaking, pero tatlong assists na lang siya sa second half,” saad ni four-time NCAA champion coach Fernandez.
Pero inaasahang mapapalaban ang Red Lions dahil may ipana­nanggang malupit na player ang Generals. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy