Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Negros school wagi sa LivCom award

0 168

Nasungkit ng isang paaralan sa Negros Oriental ang silver award para sa eco-friendly projects na ginawa nito, sa katatapos lamang na International Awards for Liveable Communities o LivCom Awards.

Nabatid na ang Guba National High School (GNHS) ang tanging finalist ng Pilipinas sa nasabing prestihiyosong awards program na kinikilala ng United Nations Environment Program, at nanalo pa sa Environmental Sustainability Project Awards category sa virtual finals.

Tinalo ng GNHS ang 160 kalahok na galing sa lampas 30 bansa para sa kanilang Eco-friendly School Project initiative, na ipinamalas nila sa kanilang video entry na “Baktas sa Paglaom” o “Walk of Hope”.

Related Posts

Kabilang sa mga environmentally-sustainable na proyekto ng nasabing pampublikong eskuwelahan ang pagpapaganda ng mga tanawin at pampublikong espasyo sa lugar gamit ang mga recycled material, at ang pagbibigay kaalaman sa mga estudyante sa mga paraan upang mailigtas ang kapaligiran.

Taong 1997 inilunsad ang LivCom Awards, na siyang natatanging awards competition na nakatutok sa International Best Practice kaugnay sa pangangasiwa at pagpapaunlad ng lokal na kapaligiran. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.