Una sa Balita

Negosyo sa Tagaytay balik normal

0 276

Balik-OPERASYON na ang ilang negosyo sa Tagaytay na sinalanta ng pagsabog ng Taal Volcano.

Ilan sa mga hotel,­ gasolinahan at iba pang establisimyento ay nagbukas na habang ang ilan nama’y ginami­tan na ng kanilang mga generator para magtuloy-tuloy na ang kanilang operasyon.

Gayunma’y pinag-iingat pa rin ng Department of Health (DOH) ang publiko sa kabila ng pahayag ni Philippine­ Volcanology­ and Seismology (Phivolcs)­ Director Renato Solidum na maari nang magbukas ng kanilang mga negosyo at pumunta ang tao sa Tagaytay.

Mag-ingat sa alikabok
Sinabi ni Health Spokesman at Undersecretary Eric Domingo, dapat pa ring mag-ingat­ ang mga tao sa alika­bok na maari nilang masagap at ugaliin pa rin ang pagsusuot ng mga mask para hindi­ nila malanghap ang alikabok.

“Mag-ingat lang sa abo, wear masks,” ayon kay Domingo.

Nabatid kay Domingo­ na maaring makakuha ng problema sa balat, pamamaga ng lalamunan, pag-ubo, bronchitis-like illness.pagkahirap huminga at eye irritation sa sandaling makalanghap at mapuwing ng ash fall mula sa pumutok na bulkang Taal.

Mga medical team ipinakalat
Nagpadala na rin ang Department of Health (DOH) ng mga team para tumulong sa mga residente na na-trauma kasunod ng pagsabog ngNBulkang Taal.

Ayon kay Health Secretary Franciso Duque III, bukod sa trauma, aalamin kung may mga residente na nagkaroon ng mga psychosocial symptom.

“We don’t want the trauma to be lingering because that will affect their quality of life. That will affect the way they deal socially with others and then they can get depressed,” ayon kay Duque. ­(Juliet de Loza-­Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More