Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Negosyo ni Mikee Cojuangco lugi sa virus

0 1,141

Sa latest episode ng Just In ay nainterbyu ni Paolo Contis si Mikee Cojuangco-Jaworski tungkol sa pagbabago ng kanyang buhay simula ng magkaroon ng community quarantine.

Inamin ni Mikee na apektado ang kanilang negosyo ngayon.

“Unfortunately, ‘yung mga business namin hindi tumatakbo. Kasi hotel ‘yung main business namin, so siyempre, sarado pa, hindi pa makapagbukas. Pati si Dodot [Jaworski], walang masyadong trabaho rin,” sabi ni Mikee.

Nagbago rin daw ang kanyang trabaho sa International Olympic Committee. Noong nakaraang buwan lamang nang mabalitang na-elect si Mikee bilang International Olympic Committee (IOC) Executive Board member sa ginanap na 136th IOC session. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.