Una sa Balita

Negosyo ni Megan sinabotahe ni Katrina

By
0 2,786

Consistent sa pamamayagpag ang The Stepdaughters dahil mas powerful ang mga eksena sa pagitan nina Megan Young at Katrina Halili. Mula Lunes hanggang Biyernes, ito ang tinututukan ng viewers at hindi siya magawang talunin ng katapat nitong programa.

Masarap panoorin ang strong personalities na ginagampanan ng mga karakter nito. At sa latest episode, habang nagsisikap si Mayumi (Megan Young) na paunlarin ang kanyang business, me­ron na namang pananabotaheng pinaplano si Isabelle (Katrina Halili).

Jameson pinuri ni Janella

Nasanay na si Janella Salvador sa team up nila ni Elmo Magalona sa ilang projects na pinagsamahan nila sa pelikula at TV. Pero hindi ito hadlang sa tambalan nila ni Jameson Blake sa upcoming movie na So Connected under Regal Entertainment.

Sa pagsama ni Janella sa bagong leading man ay wala raw siyang naranasang problema. Mabait daw at easy to get along with si Jameson.

Although may slight adjustment lang daw siyang ginawa. Siguro sanay nga kay Elmo. Another growth as an actress on her part at advancement na rin sa pagiging actress.

Si Direk Jason Paul Laxamana naman ay hindi nanniwala sa loveteam. Ang importante sa kanya ay ang acting ng bawat artista.

Ruru mega-perform sa INC Walk

Punong-puno ang Roxas Boulevard ng INC Followers dahil sa kanilang Worldwide Walk To Fight Poverty na ang mga dumalo ay mula sa iba´t ibang bayan dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. May mga celebrity rin dumalo na miyembro ng INC. Iba talaga silang mag-organize at dumadalo ang mga miyembro nila.

Hindi naman nakadalo ang INC member na si Ruru Madrid dahil may Sunday Pinasaya siya. Pero para maka-contribute sa mahalagang okasyon na ito ay dinaluhan niya ang concert kinagabihan sa Quirino Grandstand na puro banda ang nakita namin.

Bale si Ruru lang ang mala­king artista na nagpakita sa concert kung saan kumanta siya habang sinasabayan ng mga manonood. Hindi magkamayaw ang mga nanood sa concert nang tawagin si Ruru matapos kumanta ang kapatid na si Rere Madrid na nasa Star Magic na ng ABS-CBN. Kaya masaya ang lahat ng makita ang kanilang idolo.