Una sa Balita

Negosyanteng Tsinoy tinarget sa ulo ng riding-in-tandem

By
0 1,397

Nasawi ang isang negosyanteng Tsinoy matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa nang umaga sa kahabaan ng Pier 18, Road 10, malapit sa Smokey Mountain, Tondo, Maynila.

Idineklarang patay dakong alas-6:30 nang gabi sa Tondo General Hospital ang biktimang si Juan Miguel Tan, 46, dahil sa tama ng bala sa likod ng ulo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente pasado alas-otso nang umaga sa Road 10, Tondo.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng pulis sa ilang residenteng malapit sa pinangyarihan, nakarinig ng mga putok ng baril bago nakitang duguan sa loob ng kulay beige na Toyota Avanza na may conduction sticker na A4X299 ang biktima.

Nakita rin sa foo­tage ng closed circuit television (CCTV) ng Barangay 101 na nag-u-turn pa ang mga suspek na riding-in-tandem pabalik ng northbound bago ginawa ang krimen.

Isinugod sa pagamutan ang biktima ng mga sumaklolong tauhan ng nakasasakop na barangay ang biktima.

Inaalam naman ng pulisya ang motibo ng pagpaslang sa biktima.