Una sa Balita

Negosyanteng taga-Mindoro iniligpit sa coffee shop

By
0 6,418

Dead-on-the-spot ang isang negosyante matapos barilin ng riding-in-tandem sa tapat ng kanyang coffee shop sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro pasado alas-sais ng umaga ngayong Martes.

Kinilala ni Supt. Imelda Tolentino, spokesperson ng Regional Police Office MIMAROPA, ang biktima na si Derick Castillo Hidalgo, 34-anyos, may-asawa, businessman, at residente ng Sitio Boulevard, Barangay Poblacion.

Ayon kay Tolentino, nagkakape si Hidalgo sa labas ng entrance ng kanyang coffee shop nang barilin ng malapitan ng riding-in-tandem.

Tinamaan si Hidalgo sa kanyang ulo na na­ging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Samantala, nakatakas naman ang mga suspek sa pagpatay kay Hidalgo na ngayo’y pa­tuloy na pinaghahanap ng mga kapulisan sa buong Oriental at Occidental Mindoro.

Ayon sa mga saksi, nakasuot ng pu­ting damit at naka­takip ng panyo ang mukha ng driver ng kulay pulang motorsiklo habang ang hitman ay may suot namang itim na t-shirt. (Paul Jaysent Fos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy