Una sa Balita

Negosyanteng Pinoy dinukot sa Canada

By
0 1,130

NAGLUNSAD ang mga pulis sa Winnipeg, Canada ng mas malawak na imbestigasyon sa misteryong pagkawala ng negosyanteng Filipino na si Eduardo Balaquit, 59-anyos mula Manitoba, Canada.

Lunes, Hunyo 4 nang i-report ng pamilya ng biktima ang pagkawala nito matapos na hindi makauwi mula sa kanyang trabaho.

Sa inisyal na paghahanap. Natagpuan ng mga pulis ang sasakyan nito sa nakaparada sa likod ng isang gusali ng Westcon sa 380 Keewatin Street, kung saan may kontrata ang kanyang cleaning company.

Natuklasan ng mga pulis ang nagkalat na gamit nito sa gilid ng kanyang sasakyan at basag na bintana ng sasakyan nito sa passenger side at isang cellphone.

Pumasok na ang Winnipeg homicide unit sa imbestigsayon at ayaw na muna nilang maglabas ng detalye kung ano ang tinatakbo ng kanilang imbestigasyon.

Inilunsad ng pamilya, kaibigan, at ng Filipino community sa Winnipeg, Canada ang malawakang paghahanap kay Eduardo.

Mahigit dalawang daang katao ang nagsasagawa ng search sa paligid ng lugar kung saan natagpuan ang sasakyan ng biktima sa pag-asang makakahuha sila ng ebidensya na magtuturo kung nasaan si Eduardo.

Umaasa naman ang pamilya Balaquit na matatagpuan nila itong buhay kahit pa isang linggo nang nawawala ang biktima.

Ayon sa anak nitong si Edward, hindi sila titigil hanggang hindi nila natatagpuan ang kanyang ama buhay man o patay.