Una sa Balita

Negosyanteng inakusahang nang-estafa reresbak

0 323

Nakatakdang maghain ng kasong kriminal at sibil ang FINMAT INTERNATIONAL RESOURCES INC. at ang may-ari nitong si Reynaldo (Rey) De Jesus laban sa Golden Mile Enterprises (GME) gayundin sa mga iresponsableng taong naglathala ng malisyosong artikulo at sa online na makasisira sa kanilang reputasyon.

Sa mga naturang artikulo, inakusahan ng GME si De Jesus- FINMAT ng estafa dahil umano sa diumano pagbaba­yad ng P68,237,818.80 sa mga materyales na ginamit sa konstruksiyon ng pasi­lidad ng isang entertainment resort at casino sa Parañaque City.

Mariin itong pinabu­laanan ni De Jesus na nagsabing nagbayad ang FINMAT sa GME ng P130M para sa mga pagawain sa nabanggit na casino-resort bilang sub-contractor.

Ipinaliwanag niya na ang balanseng P68M na sinisingil sa kanila ng GME ay dapat munang sumailalim sa rekonsolasyon at balidasyon ng dalawang panig (FINMAT at GME).

“Not all claims are valid. It is therefore premature and unfair to have it published thru media without hearing the side of FINMAT,” ani De Jesus.

Sabi ni De Jesus na walang katotohanan ang kasong kriminal na estafa na umano’y kinakaharap niya at ng kanyang kompanya sa Regional Trial Court sa Pasig City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy