Una sa Balita

Negosyante tinodas ng tandem

0 192

Patay ang isang 64-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang ri­ding-in-tandem na mga suspek Martes nang gabi sa Daraga, Albay.

Dead on-the-spot matapos magtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Erilberto Lomerio, residente ng Purok 2, Barangay Mabini ng nabatid na bayan, may pagawaan ng pamaypay.

Ayon kay Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, naganap ang insidente dakong alas-6:40 nang gabi sa kahabaan ng Purok 2, Barangay Mabini ng nasabing bayan.

Lulan ng traysikel ang biktima upang sunduin sana ang babaeng anak sa trabaho nito nang pagbabarilin ito ng hindi pa kilalang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Nakuha pang isugod sa Bicol Regional Trai­ning and Teaching Hospital ang biktima subalit idineklara rin itong dead-on-arrival ng sumu­ring doktor.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy