Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Negosyante siningil ng P2M utang, nanaksak

0 107

Malubhang nasugatan ang isang contractor at driver nito nang pagsasaksakin ng negosyanteng sinisingil nila ng P2 milyon utang sa Quezon City, kahapon.

Nagtamo ng sugat sa likot sina Raymund Matabang, 38, contractor, at driver na si Vickson Villaroman, 20.

Agad namang naaresto ang mga suspek na si Abraham Tan, 37, negosyante, at ang kanyang empleyado sa construction firm na si Rogelio Farcon, 41.

Sa report ng pulisya, alas-11:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa Commonwealth Ave., Brgy. North Fairview. Sinundo ng biktima ang suspek sa isang bangko at pupunta sa isa pang bangko sa Fairview.

Sumakay ang suspek sa sasakyan ni Matabang na minamaneho ng driver nitong si Villaroman patungong bangko upang ideposito umano sa account ng contractor ang milyong halagang utang ng nasabing negosyante.

Subalit bago pa man dumating sa bangko sa North Fairview Branch, lingid sa kaalaman ng contractor at ng driver nito na kumuha ng patalim ang negosyante at agad silang iniundayan ng sunud-sunod na saksak sa likod.

Nang kapwa duguan ang contractor at driver nito ay nagtangka pang tumakas ang negosyante at ang empleyado nito pero naaresto sila ng mga rumespondeng pulis. (Dolly Cabreza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.