Una sa Balita

Negosyante sinalubong ng holdaper pagbaba ng kotse sa Nueva Ecija

By
0 1,890

HALOS kalahating mil­yong pisong cash at mga alahas ang nata­ngay mula sa hinoldap na negosyante sa North View Heights Subd., Brgy. Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija, nitong Martes nang gabi.

Sa ulat kay Mayor Elan Nagaño, nakilala ang biktima na si Randy Reyes Corgos, 40-anyos, residente ng naturang lugar.

Alas-10:40 nang gabi nang magsadya sa himpilan ng pulisya ang biktima at isinalaysay ang panghoholdap ng apat na armado.

Nabatid na alas-kuwatro nang hapon, kadarating lang ng biktima sa kanyang compound at kabababa lang sa sasakyan nang salubungin ng apat na armadong naka-bonnet.

Kabilang sa mga natangay sa biktima ang apat na iPhone na nagkakaha­lagang P165,000; mga alahas na nagkakahala­gang P200,000, P10,000 cash, mga bank passbook, credit card, PRC ID, dri­ver’s license at Glock 22 caliber .40 na nagkakahalagang P43,000.

Nangalap na at pinag-aaralan ngayon ng pulisya ang mga CCTV footage sa lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy