Una sa Balita

Negosyante sa Quezon, sinaksak ng 2 bagets habang tulog

By
0 244

MALUBHANG nasugatan ang isang negosyante makaraang pagsasaksakin ng dalawang kabataang estudyante habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, Patnanungan, Quezon kamakalawa nang madaling-araw.

Kinilala ng Patnanungan police ang biktima na si Nomeriano Baldopenia Gabriel, 59-anyos.

Batay sa imbestigasyon, dakong ala-1:30 nang madaling-araw, habang natutulog ang biktima, pinagtulungan itong saksakin­ ng mga suspek na isang 18-anyos at isang Grade 9 na estudyante.

Bagama’t nagtamo ng ilang tama ng saksak sa dibdib, leeg at mga kamay, nagawang manlaban ng biktima hanggang sa tumakbo ang dalawang tinedyer.

Naiwanan ng mga ito ang ginamit na isang balisong at isang kitchen knife.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima at ngayon ay nilalapatan pa ng lunas sa Claro M. Recto Hospital sa bayan ng Infanta.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga awtoridad ang dalawang suspek at ina­alam pa rin kung ano ang motibo sa krimen.