Una sa Balita

Negosyante niratrat sa Subaro sports car sa Batangas

By
0 559

TADTAD ng bala at nasawi sa loob ng kanyang sports car ang isang negosyante matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Batangas City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Reynante Antenor, alyas ‘Joker,’ residente ng Barangay Sampaga, Batangas City.

Base sa report ng Batangas City police, bandang alas-9:10 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang kotseng Subaru BRZ na may plate number AAD 4252 sa barangay road ng Brgy. Libjo nang tambangan ito ng mga suspek na pumuwesto sa magkabilang gilid ng kalsada.

Niratrat ng baril ang kaliwa at kanang bahagi ng windshield na tumama rin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima na agad na nasawi.
Tumakas naman ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Si Antenor ay kanang kamay umano ng pumanaw na si Ruben Dimacuha, alyas ­‘Palos’ na tiyuhin ni Bata­ngas City Mayor Bever­ley ­Dimacuha-Mariño at kapatid ni dating ­Batangas City Mayor Eddie ­Dimacuha.

Ang 81-anyos na si Dimacuha ay tinambangan din ng mga hindi nakilalang suspek noong nakaraang ­Setyembre 2017.

Noong nagtatrabaho pa kay Dimacuha noong 2004, si Antenor ay isinasangkot naman sa pagkamatay ng isang opisyal ng bayan at isang human rights activist sa Oriental Mindoro.

Patuloy pa ang ­imbestigasyon ng mga pulis kung saan inaalam ang motibo sa pamama­ril at kung sino ang mga ­suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy