Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Negosyante niratrat sa Quezon

0 113

Patay ang isang negosyante nang pagbabarilin ng suspek na sakay ng motorsiklo sa harap mismo ng kanyang tindahan sa Sariaya, Quezon noong Lunes ng umaga.

Hinde na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Liberato De Chavez, 50, na nagtamo ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ng Sariaya Police, alas-otso ng umaga, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang tindhan sa Brgy. Montecillo, nang dumating ang suspek na nakasuot ng facemask at jacket na itim.

Walang sabi-sabing niratrat nito ang biktima gamit ang maiksing baril. Agad ding itong tumakas sakay ng knyang motorsiklo.

Narekober saa crime scene ang anim na basyo ng kalibre .45 baril.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.