Una sa Balita

Negosyante nagoyo sa pekeng Rolex

By
0 5

Hindi inakala ng isang negosyante na maloloko siya ng pekeng Rolex matapos makipag-trade in ng mamahaling relo sa isang swindler kamakalawa sa Pasig City.

Agad na nagsumbong ang biktimang si Rudolf Lawrence Reyes, 29, residente ng Barangay Ugong, Pasig City sa mga tauhan ng Pasig police na agad nagsagawa ng follow up investigation.

Nahuli naman ang suspek na si Jaime Villarosa Jr, 43, ng Barangay Ususan, Taguig City bandang ala-una ng hapon sa Metro Walk mall sa Brgy. Ugong, Pasig City.

Abante Hiring – IT dep

Sa report, nakipagtransaksyon ang biktima kay Villarosa na mag-trade in sila ng kanyang Rolex deepsea watch kapalit ng Rolex new Daytona watch ng suspek.

Hindi inakala ng biktima na peke ang Daytona Rolex na ipinagpalit sa suspek kaya agad na inireport sa pulisya at narekober agad ang mamahaling relo ng biktima.

Ayon pa sa pulisya, nahulihan ng isang plastic sachet na shabu ang suspek nang ito ay arestuhin.