Una sa Balita

Negosyante inasinta sa noo sa Laguna

By
0 708

HINDI na nakain ng isang negosyante ang biniling hamburger matapos na ito ay barilin ng riding-in-tandem sa harap ng burger store sa national highway, Brgy. Labuin, Pila, Laguna kamakalawa nang gabi.

Dead on-the-spot ang biktimang kinilalang si Arnel Palcunan y Reano, 36-anyos, matapos magtamo ng tama ng kalibre .45 baril sa noo at sa balikat.

Batay sa report­ ng Pila police, ­dakong alas-7:55 nang gabi, papaalis na sana sa harap ng Angels Burger stall ang biktima nang biglang dumating ang mga suspek na kapwa nakasuot ng itim na jacket.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ng backrider ang biktima at saka mabilis na tumakas ang mga ito sa hindi natukoy na direksyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam­ kung ano ang motibo at kung sino ang mga ­suspek. (Ronilo Dagos)