Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Negosyante hinila ng killer highway

0 361

Binawian ng buhay ang isang negosyante nang ang sinasakyan nitong delivery truck ay maaksidente sa tinaguriang Quezon killer highway sakop ng bayan ng Atimonan noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Marlon Dela Vega Revilla, 55, taga Iloilo City.

Ayon sa Atimonan police, naipit ito sa loob ng kanyang sinasakyang aluminum wing van truck na nawalan ng preno habang binabagtas ang pababang bahagi ng Atimonan- Pagilao new diversion road, Maharlika highway sa Barangay Sta. Catalina.

Naipit sa nagkayupi-yuping truck ang dalawang sakay at agad isinugod sa Doña Martha Memorial District Hospital ang biktima subalit idineklara si Revilla na dead on arrival ng doktor.

Nagtamo rin ng mga sugat ang driver ng truck na nakaratay pa sa ospital.

Noong nakaraang taon, hindi bababa sa limang cargo truck ang naaksidente rin sa kaparehong lugar na mapanganib dahil sa haba ng bahaging palusong sa nasabing highway na nag-uugnay sa bayan ng Pagbilao at Atimonan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.