Una sa Balita

Negosyante, bodyguard itinumba sa sabungan

By
0 15

Patay ang isang kilalang negosyante ng Calamba City at kanyang bodyguard matapos pagbabarilin ng mga di nakilalang suspek sa par­king lot ng Biñan Cockpit Arena sa Barangay Tubigan, Biñan kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lorenzo Fajardo y Molinar alyas ‘George’, 62-anyos, residente ng Fajardo Compound, Brgy Bunggo, Calamba City, at ang bodyguard nito na si Jordan Ali y Arcano, alyas ‘Andrew’, 31-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Biñan Police, pasakay na ang mga biktima ng kanilang sasakyan na isang bullet proof Toyota Camry nang lapitan ang mga ito ng mga suspek at malapitang pagbabarilin.

Abante Hiring – IT dep

Nagtamo ang mga biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mabilis na isinugod sa ospital subalit kapwa idineklarang dead- on-arival ng doktor.

Nahagip pa ng ligaw na bala ang barangay tanod na si Arnel Espillardo na ngayon ay ginagamot pa sa ospital.