Una sa Balita

Negosyante, bodyguard huli sa overpriced thermal scanner

0 380

Binitbit ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaking nagbebenta ng overprice na thermal scanner sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Dexter Quan y Lee, 45, online businessman, residente ng 23-A Miller St., San Francisco Del Monte, Quezon City; at ang umano’y driver bodyguard na si Angelo Mancao y Demucer, 27, ng 1645- A Mendoza St., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay P/Capt. Kerwin Evangelista, ng MPD-PS 7, una nang nakipagkoordinasyon sa MPD-PS7, ang isang Atty. Jojo Jacob, hepe ng FTEB- Enforcement Division kaugnay sa bentahan ng thermal scanner.

Kaagad namang ikinasa ang buy-bust operation dakong alas-3:00 ng hapon sa kanto ng Maceda St. at Espana Boulevard sa Sampaloc.

Nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis at nakipag transaksiyon sa mga suspek para sa pagbili ng isang kahon na thermal scanner na naglalaman ng 40 piraso kung saan P3,800 kada isa at nagkahahalagang P152,000.

Nang iabot ang marked money, kaagad na inaresto ang mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More