Una sa Balita

Negosyante adik sa may lawit

By
0 21

Habang lasing sa tagumpay ng kanyang mga negosyo, buhay na buhay din ang sex life ng isang matandang negos­yante sa bansa.

Hindi lang sa negosyo aligaga ang negosyante kundi may malaking panahon din siya sa kanyang pribadong oras lalo na kung ‘happy hour’ na.

Itong negosyante na isang Filipino-Chinese, pamilyado na at may mga anak, subalit naghahanap pa rin ng kaligayahan sa pi­ling ng ibang tao.

Abante Hiring – IT dep

Kung sa tingin niyo ay mga batang chinita, mestiza o imported na Russian o European ang hanap ng negosyante, nagkakamali kayo dahil ang type niya ay ‘yung tipo nina Piolo Pascual, Zanjoe Marudo o ang mga batang miyembro ng ‘Hashtags’.

In short, ‘yung mga may lawit din ang hanap ng negosyanteng ito dahil mas kinikilig at sexcited ang hitad kapag kelot ang nagiging ka-partner niya sa kama.

Kumpirmadong dual citizen ang matandang negosyante, as in hindi lang siya Fi­lipino-Chinese kundi half-Filipino, half-Filipina.

Swak din siya sa kategorya ng tsikboy as in puwede sa tsiks, puwede sa boy. ‘Yun nga lang mas babad siya sa mga boys ngayon.

Ang mama-san o supplier niya ng mga kelot, isa ring dual citizen na dating television reporter na kinarir na ang pambubugaw ng mga lalaking kapit sa patalim.

Tulad ng negosyante, adik din sa may lawit ang da­ting reporter dahil kahit oras ng trabaho sa dating pinapasukan ay nagagawa pa niyang chumorva.

Dahil sa nakuha ng ex-reporter ang kiliti ng matandang negosyante,­ ina­lagaan na ng ­negosyante ang dating reporter kung kaya’t ganu’n na lamang ang laki ng ulo nito, fee­ling niya ay kanang kamay siya ng emperador o isang hari dahil big-time na negosyante ang nagtitiwala sa kanya.

Makikilala niyo ang pangalan ng negosyanteng ito dahil kapangalan niya ang rapper na pinapahala­gahan ang kapangitan ng lalaki.