Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Negosyante 27 beses binaril

0 40

Nasawi ang isang negsoyante matapos itong ratratin sa Davao de Oro.

Sa report, bago nangyari ang insidente, nagiinuman ang mga suspek at biktima.

Unang naiulat na pinagbabaril ang 38-anyos na negosyanteng si Glen Guanzon, mula sa Barangay Camanlangan, New Bataan, Linggo ng gabi.

Nasa inuman ang biktima kasama ang dalawang kaibigan sa loob ng kanilang bahay nang batuhin umano ang bahay ng biktima kaya lumabas itong may bitbit na patalim.

Nasa bakuran pa lang ang biktima at may narinig nang putok ng mga baril kasabay ng paghandusay ng duguang biktima.

Nabatid na 27 basyo ng bala ang natagpuan ng mga pulis sa crime scene.

Inaalam pa ng mga otoridad ang suspek at motibo sa pagpatay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.