Una sa Balita

Negosasyon sa climate change ‘wag bitawan

0 464

Iginiit ni Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan na lalong tutukan at huwag bitawan ang mga negosasyon sa ‘climate change’.

Para ito sa kaligtasan ng mga Pilipino at iba pang “matinding praktikal na konsiderasyon,” kasama na ang pagkakaroon ng poder sa pondo, teknolohiya at proseso sa pagtatatag ng kakayahan.

Bilang chairman ng House Committee on Climate Change, inihayag ni Salceda ang pakiusap sa Pangulo matapos ideklara ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddy Locsin na hindi na padadaluhin ng pamahalaan ang mga opisyal nito sa mga kumperensiya kaugnay ng climate change kung sasakay pa sila ng eroplano.

Sa halip ay sasagot na lamang ng ‘yes’ sa pamamagitan ng internet sa mahahalagang panukala tinatalakay nito.

Bago ito, sumulat na rin si Salceda kay Pangulong Duterte na pag-aralang mabuti ang napipintong panuntunan ng pamahalaan na huwag nang sumali sa mga usaping climate change dahil wala naman diumanong silbi ang mga ito.

Giit pa ng mambabatas, “nasa kritikal na yugto na ang usapin kaugnay sa implementasyon ng Paris Agreement dahil napakaha­laga nito sa bansa kahit mabagal nga ang progreso ng inaasahang mga pagbabago.”

“Kung hindi na tayo sasali sa Conference of the Parties (COP), mawawalan na tayo ng boses at karapatan sa pondo, teknolohiya at capacity building concessions,” dagdag ng mambabatas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy