Una sa Balita

Negatron na news anchor kinamumuhian ng mga kasamahan

By
0 1,279

Hanggang ngayon pala, kahit mahaba-habang panahon na rin ang nakalilipas, ay nagtatago pa rin nang matinding sama ng loob ang isang female personality sa isang taong buong-ningning siyang ipinahiya sa publiko.

At hindi lang siya, maging ang kanyang mga anak at mga kamag-anak ay may galit pa rin sa babaeng lantarang nagpahiya sa aktres sa isang panayam, hindi pa rin nila nakakalimutan ang pangyaya­ring ‘yun.

Kuwento ng aming source, “Kung gusto mong makitang sumimangot si (pangalan ng maganda pa ring aktres kahit pa nadagdagan ang kanyang timbang), banggitin mo ang pangalan ng babaeng news anchor!

“Biglang magbabago ang timpla niya, sisimangot siya, parang bumabalik uli sa alaala niya ang ginawang pagpapahiya sa kanya ng babaeng ‘yun!

“Kunsabagay, kahit naman siguro sino ang lumagay sa sitwasyon niya, e, ganu’n din ang mararamdaman. Imagine, pinakiusapan na nga ng mga kasama niya ang female news anchor na huwag masyadong maging hard sa aktres, pero ano pa rin ang ginawa niya?

“Parang sinadya pa niyang mag-ipon ng mahihirap at malalalim na tanong para sa female personality, alam niya na nga na hindi naman nagpapanggap na matalino ‘yung tao, pero sumige pa rin siya nang sumige sa kauurirat!

“Pinagtawanan tuloy ang aktres, binash-bash ng mga walang magawa na akala mo naman katatalino, talagang sinadya ng female news anchor na ‘yun na mapahiya ang iniinterbyu niya!

“Maraming nagalit sa babaeng ‘yun, kasi nga, parang tuwang-tuwa pa siya na nag-trending ang interview niya! Hindi bale nang inilagay niya sa nakahihiyang sitwasyon ‘yung aktres, e, wala siyang pakialam!

“Kunsabagay, kahit naman sa kanyang hanay, e, negatron ang babaeng ‘yun, hindi siya gusto ng mga kasamahan niya, kaya it’s a tie!” pagtatapos ng ­aming source. ()