Una sa Balita

Negative vibes ibasura – Black

By
0 7

Alisin ang negative vibes at maglaro nang ­relaxed.

Ayon sa beteranong si Ranidel de Ocampo, iyon ang mga instruksyon ni Meralco coach Norman Black sa kanyang players para sa natitirang laro ng PBA Governors’ Cup ­finals laban sa Ginebra.

“Huwag nang isipin ‘yung mga nangyari noong isang taon,” ani De Ocampo, tukoy ang talo ng Bolts sa Kings sa 2016 finals ng season-ending tournament.

“Kasi, napansin ng coaching staff, masyadong gustong makabawi ng mga players kaya tuloy nanggigigil,” dagdag pa ng dating TNT standout. 

“Kaya ang sabi ni coach, forget about that, and just play loose, relaxed at hindi masyadong tense. Hopefully, mag-work.”

Nagsalita si De Ocampo bago ang Game 3 ng best-of-seven series kagabi sa Smart Araneta Coliseum. Sa Big Dome din naka-schedule ang Game 4 sa Biyernes.

Nanalo ang Ginebra sa unang dalawang laro at gustung-gustong matapos na ang serye bago pa ito lumipat sa Phi­lippine Arena sa Bocaue umpisa sa Linggo para sa Games 5 to 7.