Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NEDA, DTI: Mga bata payagan na gumala para bumangon negosyo

0 136

Nais ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Trade and Industry (DTI) na luwagan ang paghihigpit sa mga kabataan na makalabas ngayong may COVID-19 pandemya para makatulong na sumigla ang mga negosyo sa bansa.

Sa forum ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), inihayag ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na hindi makakarekober ang 50% ng market demand kapag nanatili ang paghihigpit sa mga menor de edad sa mga pampublikong lugar sa panahon ng pandemya.

Aniya, mahalagang palabasin na ang mga menor de edad para sumigla ang negosyo basta’t mananatiling sumunod sa mga health protocol.

SM food to go Banner Ad

“In a young country like ours, where the median age is 25 years old and 40 percent of the population is below 20 years old, then if the children are not participating in economic activities, and the families are not participating, up to 50 percent of the total sales and demands are not going to recover,” paliwanag pa ni Chua.

Una nang inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tanging 15 hanggang 65-anyos ang pinapayagan na lumabas sa bahay.

Nagpahayag naman ng suporta si DTI Secretary Ramon Lopez sa unti-unting pagluluwag sa mga menor de edad na makalabas ng bahay upang makabangon ang ekonomiya.

“Hindi po masama namang i-consider ang pagpalawak ng age segment na papayagan na din lumabas. So kunwari ngayon, 15 years old ang pinakabata, puwede natin unti-untiin, maybe 10 years old,” sabi ni Lopez sa Laging Handa public briefing. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.