Una sa Balita

NEDA, DSWD kasado na sa Bangon Batangas

0 237

INILALATAG na ng ­National Economic and Development Authority (NEDA) ang rehabilitation plan para sa pagba­ngon muli ng mga lugar na naapektuhan nang pagputok ng ­Bulkang Taal sa Batangas.

Sinabi ni Interior and Local Government ­Undersecretary ­Epimaco Densing, noon nakalipas na linggo pa nagsimulang bumalangkas ng recovery plan ang NEDA alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 10121 o ang Philippine ­Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Ayon sa opisyal, res­ponsibilidad ng NEDA ang pagtitimon sa rehabilitation and ­recovery para makabalik sa ­normal na ­pamumuhay ang isang ­pamayanan na nakaranas ng ­kalamidad.

“For rehabilitation and recovery, ­naka-atas po iyan sa NEDA and from what I know, as of last week, NEDA is ­already ­crafting a ­rehabilitation or ­recovery plan na once this crisis of the Taal Volcano eruptions ceases,”ani Densing.

Tinitiyak naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may mga nakalatag na silang mga hakbangin sakaling uma­bot pa ng ilang buwan ang krisis sa Batangas.

Ilan na dito ayon kay DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao ay ang pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer, pag-iimplementa ng emergency shelter assistance ganun­din ang food at cash for work program.

“Kasama diyan iyong pag-i-implement nu’ng Emergency Cash Transfer in lieu of the family food packs, nandiyan din iyong provision of the emergency shelter assistance, meron rin tayong mga rehabilitation of affected infrastructures through food for work and cash for work.” ani Dumlao. (­Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More