Una sa Balita

NDRRMC, PNP alerto kay ‘Tisoy’

0 463

Nakahanda na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’ na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at nagsimula nang bayuhin ang Bicol Region.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nagdeklara na ang ahensya ng blue alert status para sa mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhang lugar.

Nakipag-ugnayan na rin ang NDRRMC sa mga local government executive sa mga lugar na daraanan ng bagyo na magpatupad ng preemptive evacuation lalo na sa mga lugar na posibleng magkaroon ng landslide at flashflood.

Samantala, inalerto na rin ng Phi­lippine National Police ang kanilang battle staff at Reactionary Standby Support Force personnel sa national headquarters para magkaroon ng command and control sa mga disaster response preparation.

Ayon kay PBGen. Bernard Banac, naka-full alert na rin ang Special Action Force, Maritime Group, Highway Patrol Group gayundin ang Regional at Provincial Mobile Forces para tumulong sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyong ‘Tisoy’.

Panawagan pa ni Banac sa mga residente sa lugar na daraanan ng bagyo na maging alerto, at alamin ang balita hinggil sa bagyo upang makaiwas sa disgrasya. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More