Una sa Balita

NDRRMC naka-white alert pa rin sa Taal

0 234

NANANATILI pa rin sa white alert ang ­National Disaster Risk ­Reduction and Management Council (NDRRMC) Operations Center kahit pa binaba na sa Alert Level 2 ang Taal Volcano.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Cashean Timbal, patuloy ang pag-monitor ng ahensya sa sitwasyon at aktibidad ng bulkan.

Sa ilalaim ng white alert, binabantayan ng mga staff ng NDRRMC Operations Center ang anumang pagbabago o senyales ng aktibidad mula sa Taal Volcano.

Samantala, nagbabala pa rin ang Philippine Institute of Volcanology and ­Seismology (­Phivolcs) sa mga ­residente ­malapit sa ­bulkan na maging ­handa sa paglikas dahil sa ­patuloy na ­naitatalang aktibidad ng bulkan kabilang ang mga ­nararanasang lindol at pagbuga ng asupre.

Sa nakalipas na 24 oras ay nakapagtala pa rin ng 65 ­volcanic earthquake, sulfur ­dioxide emission na nasa 58 ton at steam laden plume na may taas na 200 metro.

Mahigpit na ipinag­babawal ng Phivolcs ang pagpasok sa 7 ­kilometrong permanent danger zone. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More