Una sa Balita

NDRRMC naka-red alert sa bagyong Ompong

By
0 158

Patuloy ang ginagawang preperasyon ng Northern Luzon Command (NOLCOM) kasama ang Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) at Office of the Civil Defense (OCD) at mga Local Government Unit (LGU) para sa paparating na Typhoon ‘Mangkhut’ na tatawaging bagyong ‘Ompong’ kapag pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Inaasahang papasok ang bagyo nga­yong Miyerkoles na may dalang maraming ulan at hangin na tinatayang aabot sa 170 kph, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

“The NDRRMC is already on Red Alert for the possible onslaught of typhoon ‘Ompong’. All Local DRRM Councils were advised to revisit their respective contingency plans, utilize all Early Warning Systems (EWS) such as Short Messaging System (SMS), social media platforms and others to ensure wi­dest dissemination of weathe­r updates,” pahayag ni Major Eric­son Bulosan, acting Public Information Officer (PIO) ng Nolcom- Armed Forces of the Philippines. (AFP).

Inabisuhan din ng Nolcom ang publiko na ikansela na lahat ng outdoor activities katulad ng caving, surfing at kung ano-ano pa.

Bukod dito, inalerto din ng Nolcom ang lahat ng kanilang pu­wersa katulad ng Navy, Air Force at Army na maghanda at magprepera sa mga gaga­wing Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations (HADRO) habang nakaantabay na rin ang mga helicopter at Navy vessel.

Matatandaang nauna nang sinabi ng Pagasa na ang papada­ting na bagyong Ompong’ay ikinukumpara sa lakas ng bagyong ‘Yolanda’ na nanalasa noon sa Visayas gayundin sa bagyong Jebi na tumama naman sa Japan nitong nakaraang Linggo.
May posibilidad na maging super typhoon ang bagyong Ompong dahil sa bitbit nitong hangin na umaabot sa 215 kph na maaari pang lumakas sa loob ng 12 hanggang 24 oras.