Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NDRRMC nagbabala: ‘Auring’ mas malakas

0 211

MULING nagpaalala kahapon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na maghanda dahil posibleng mas malakas pa ang bagyong ‘Auring’ kaysa sa mga pagtaya ng state forecasters.

“Maaaring mas malala pa… Maaring mas ma­lakas ang kanyang idudulot. Nakita natin ‘yan sa mga bagyong nagdaan, mas malakas,” sinabi ni NDRRMC Executive Director and Usec. Ricardo Jalad.

Itinaas na ng Pagasa ang tropical cyclone wind signal No. 1 sa 25 lugar sa Visayas at Mindanao kahapon dahil sa bagyo na inaasahang magdadala ng “heavy to intense rains.”

SM food to go Banner Ad

Mula ngayong umaga hanggang sa Lunes ng umaga ay inaasahang “moderate to heavy to at times intense rains” sa Leyte, Southern Leyte, Cebu, Bohol, Surigao del Norte, at Dinagat Islands.

Nagbabala rin ang Pagasa ng posibleng pagbaha at landslides gayundin ang pag-landfall ng bagyo sa eastern coast ng Caraga region. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.