Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NDFP ex-peace consultant inaresto

0 467

Dinampot ng mga awtoridad ang dating peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental kamakalawa.

Sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kaso ng pagnanakaw, hinuli si Alfredo Mapano, sa Phividec Industrial Authority (Phividec) compound kung saan siya nagtatrabaho.

Ang Phividec ay isang government-owned corporation na may mandato na tumukoy at paunlarin ang mga lugar na maaaring gawing industrial area. Nabatid na una umanong na-assign si Mapano sa corporate social responsibility unit ng kompanya pero napunta sa posisyon bilang security officer.

Bago ito, pitong taon nakulong si Mapano sa Misamis Oriental provincial jail dahil sa iba’t ibang kaso hinggil sa hinalang lider siya ng New People’s Army. Nakalaya ito noong 2016 matapos makapagpiyansa. Kasunod nito ay nakasama siya sa NDFP bilang consultant, bago ito buwagin ni Pangulong Duterte noong 2017.

Leave A Reply

Your email address will not be published.