Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCRPO sa pagkuha ng placard: Simbahan hindi para sa rally

0 313

Hinimok ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na galangin ang misa at maghanap ng tamang lugar para ilabas ang kanilang sentimyento laban sa pamahalaan.

Ito’y matapos kumpiskahin ng ilang pulis ang mga placard ng mga nagprotesta habang nagaganap ang misa sa Quiapo Church noong Lunes, araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“In its highest form, [the] NCRPO respects human rights and freedom of speech. However, we would like to emphasize that we must observe the solemn celebration of the mass and find appropriate place to air grievances,” sabi ni NCRPO chief Police Major General Debold Sinas.

Dagdag niya, “At the same time, we respect the sacred place where not only the partylists are welcome but everyone who wishes to hear the gospel. Thus, we will not tolerate such deplorable acts for the benefit of all especially of the ordinary people.”

Nakatanggap ng ulat ang Manila Police District (MPD) mula sa mga staff ng simbahan na ilang miyembro ng Akbayan ang nagpakita ng mga placard at nagsaad ng, “Ipaglaban ang Kalayaan! Resist Terror Law!”

Ayon kay Sinas, nagdulot umano ito ng distraksyon sa mga nasa loob ng simbahan.

Dinepensahan naman ni MPD chief Police Brigadier General Rolando Miranda ang ginawa ng pulis. Aniya kinumpiska ang mga placard para maiwasan pa ang komosyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.