Una sa Balita

NCRPO handa na sa barangay, SK election

By
0 661

HANDANG-HANDA na ang buong puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at tinatayang nasa 20,000 mga pulis ang itatalaga nito sa buong Mero Manila para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election sa Lunes, Mayo 14.

“All systems go na,” ayon kay NCRPO Director Camilo Cascolan kung saan ay posibleng magtaas umano sila ng alert level bago ang halalan.

Bagama’t wala aniyang maituturing na hot spot area sa Metro Manila, dapat maging alerto pa rin ang hanay ng pulisya dahil may dalawa o tatlo pa rin na tinatawag na special areas of concern.

Sinabi ni Cascolan na 16,000 mga pulis ang itatalaga sa mga pol­ling precinct habang ang 4,000 ay magsisilbing emergency response team.