Una sa Balita

NCRPO Gen. Eleazar ‘di tinablan ng forever

0 359

Wala talagang forever! Pero sa pagkakataong ito, positibo ang pagkawala ng forever. Maihahalintulad ito sa pagtatapos ng isang sumpa o kaya naman ay sa pagwawakas ng mahabang panahon ng pagiging tigang.

Dahil matapos ang mahabang panahon ng pagiging bigo, nakuha na rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang inaasam na award ng bawat rehiyon ng kapulisan: ang ‘Best Regional Police Award’. Maituturing ngang historic para sa NCRPO ang pangyaya­ring ito dahil sa kauna-una­hang pagkakataon ay sila ang pinagkalooban ng naturang award at tinalo nila ang 15 rehiyon sa buong bansa.

Tinanggap ni NCRPO Director PMAJ General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang naturang award mula mismo kay Presidente Rodrigo R. Duterte sa idinaos na 118th Police Service Anniversary sa Camp Crame. Malaking achievement ito para sa NCRPO na itinutu­ring na pinakamahirap pangasiwaan sa lahat ng rehiyon. At naniniwala kaming ang pagkilalang ito ay dahil na rin sa mahusay na pagtitimon ni PMAJ General Eleazar.

Sa ilalim ng liderato ni Eleazar, nagawa niyang ibaba ng 58 porsyento ang krimen sa Metro Manila sa loob ng tatlong taon ng Duterte administration.

Kilala rin ng lahat na very hands on si General Eleazar at tala­gang sumasama ito sa mga anti-illegal drug operations maging sa pagsisilbi ng search and arrest warrants, pag-aresto ng mga kriminal at maging sa iba’t ibang raids kahit dis oras ng gabi.

Naging mabuting halimbawa rin si Eleazar sa mga kapulisan at talagang ipinakita nitong hindi niya pinapayagan ang mga pang-aabuso ng sinuman sa kanilang hanay. Ipinakita niyang hindi niya kinakampihan ang mga bulok na kamatis sa NCRPO.

Dahil sa mahusay na pamamahala ni General Eleazar, nakuha niya ang respeto hindi lamang ng kanyang mga kapwa pulis kundi ng mga ordinaryong mamamayan sa buong Metro Manila hanggang sa iba’t ibang panig ng bansa. At hindi na rin kami magtataka kung ang award na ito ay masundan pa habang nasa NCRPO si General Eleazar!

Mahirap ang laban kung may bahid ang reputasyon ng isang bina­bato.

Ito ngayon ang nakikinita nating labanan sa pagitan ng dalawang opisyal ng gobyerno na malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

May kaugnayan ang ating punto sa pagsasampa muli si Executive Secretary Salvador Medialdea ng pangalawang kasong libelo laban sa kolumnistang si Ramon Tulfo na siya ring China envoy ng ‘Pinas.

Ang pangalawang kaso ay nag-ugat sa dalawang artikulong sinulat ni Tulfo na itinanggi ni Medialdea.

Ang mga bintang ani­ya sa kanya ay labis na nakaapekto sa kanyang malinis na reputasyon at imahe ng kanyang opisina dahilan upang humantong sa korte.

Matatandaang inakusahan ni Tulfo ang Executive Secretary ng pambabalewala ng isang taon sa apela ng isang Felicito Mejorada sa claim nitong P272.07 milyon mula sa gobyerno bilang reward money.

Nagbatuhan ng paliwanag pero siyempre korte na ang sasala sa mga ito.
Kanya nga lamang sa unang bagsak ay hindi maiiwasang pagkum­parahin ang dalawa lalo na’t kilala ang ES na walang bahid ng katiwalaan bukod pa sa malinis ang track record dahilan para maging little president ito minsang wala sa bansa ang Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy