Una sa Balita

NCRPO cops reresbak sa pulis-Bulacan

By
0 3

Magsasampa ng kasong kriminal at administratibo ang National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) anumang araw ngayong linggong ito laban sa ilang kagawad ng Regional Police Office 3 (RPO 3) partikular ang nakabase sa Bulacan makaraang mabulilyaso ang kanilang pag-aresto umano sa dalawang bigtime drug pusher bunga ng police checkpoint sa DRT Highway, Brgy. Tarcan, Baliwag, Bulacan kamakailan.

Sa impormasyong nakalap ng Abante, sasampahan ng NCRPO ng sandamakmak na kaso ang kapulisan na nakabase sa Central Luzon dahil na­bigo ang NCRPO Regional Anti-Illegal Drug-Special Operation Task Group (RAID-SOTG) na madakip ang dalawang shabu pusher na lulan ng isang behikulo nang makalagpas ito sa inilatag na police checkpoint ng Baliwag Police sa DRT Highway Barangay Tarcan, ­Baliwag habang ­hinarang ang silver Mitsubishi Montero Sports na sasak­yan ng mga police asset.

Bukod pa rito ay na­bigo ring ibalik ng opera­tiba ng PRO 3, partikular ng Regional Special Ope­ration Group (RSOG) at Regional Police ­Public Safety Company (PPSC) ang milyong pisong marked money, mobile phones, mga alahas at personal na kagamitan ng NCRPO cops at kanilang police assets na nasa loob ng kanilang mga sasak­yan matapos padapain at posasan ang mga ito.

Nauna ng nagsampa ng kasong Obstruction of Justice ang kapulisan sa Central Luzon sa Bulacan Prosecutors Office-Malolos City noong Biyernes laban sa 12 NCRPO cops.