Una sa Balita

NCRPO bibili ng container van na gagawing bilangguan

By
0 1,712

Upang masolusyunan ang matinding siksikan sa bilangguan ng ilang police station planong bumili ng mga container van ang National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang pansamantalang detention facilities ng mga preso sa Metro Manila.

Ito ang nakikitang ngayon ang solusyon ni NCRPO Chief Director Camilo Cascolan sa matinding siksikan ng mga detainees sa mga police detention cell habang hinihintay ang commitment order ng korte para mailipat ang mga ito.

Ayon kay Cascolan, naapektuhan na kasi ang trabaho ng mga pulis sa ilang istasyon dahil sa mabaho at matinding singaw mula sa mga nagsisiksikang mga preso na labis na nakakaapek­to rin sa kalusugan ng mga inmates.

Inihalimbawa pa ni Cascolan ang pagkamatay ng ilang preso sa Pasay City Police nitong buwan ng Abril matapos na atakihin sa puso.

Dahil dito umaapela si Cascolan sa mga local na pamahalaan na maglaan ng mga container van na airconditioned na magsisilbing pansamantalang detention cell facilities.

Ito ang isang panukala ni Cascolan bilang solusyon sa siksikang detention cell, dahil wala pang perang magagamit sa pagpapatayo ng mga detention cell ng mga istasyon ng bawa’t police station na patuloy ang pagdami ng mga detatinees dahil na rin sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.