Una sa Balita

NCRPO alerto sa September 21 rally

By
0 7

Kasado na ang ilalatag na seguridad ng National Capital Region Police Office(NCRPO) sa isasagawang malakihang pagkilos ng mga militanteng grupo kaugnay sa paggunita ng deklarasyon ng ‘Martial Law’ sa darating na September 21.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, hindi pa nito tiyak ang bilang ng kanyang ipakakalat na contingencies sa nasabing pagkilos ng mga militanteng grupo, pero tiniyak ng opisyal na sapat ang bilang ng ipakakalat niyang pulis upang matiyak na mapapangalagaan ang katahimikan at kaayusan ng isasagawang pagkilos.

Gayunman, muling pinaalalahan ni Albayalde ang mga magsasagawang mga pagkilos na pairalin ang maayos na pagpapahayag at iwasan ang gumawa ng anumang kaguluhan.

Inaasahan ni Albayalde na makikibahagi rin sa nasabing kilos protesta ang mga grupo ng mga minorities na Lumad mula sa Quezon City.